DALAGANG MASAHISTA GINAHASA SA HOTEL

ANTIPOLO CITY – Nagharap ng reklamo ang isang dalagang empleyado ng massage services business makaraang gahasain at pagnakawan ng kanyang customer sa isang hotel sa lungsod.

Nagharap ng reklamo sa Women’s and Children Protection Desk ng Antipolo Component City Police Station, ang biktimang si alyas “Lenlen”.

Ayon sa reklamo nito, nangyari ang insidente noong gabi ng Marso 21. Tumawag umano sa kanilang hotline ang suspek na kinilalang sa mga alyas na “Reynaldo Marinas /Angelo/Michael”.

Nag-request umano ang suspek ng room massage service sa isang hotel sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Subalit pagdating ng biktima sa room ng suspek sa hotel, tinutukan siya nito ng patalim at inutusang huwag gagawa ng anomang ingay at sumunod lamang sa lahat ng kanyang ipagagawa. Piniringan umano ito ng suspek at tuluyang hinalay.

Bago tumakas ang suspek, iginapos nito ang mga paa at kamay ng biktima, binusalan ng damit ang bibig at tinangay ang mga alahas,

personal na gamit, cellphone, iba’t ibang cards at cash money na may kabuuang halagang P27,900.

Nagawa namang makawala ng biktima at humingi ng tulong sa mga staff ng hotel ngunit nakatakas na ang suspek.

Natukoy naman ng biktima ang suspek matapos na mapanood niya ito sa tv nang masangkot sa isa pang kaso.

Agad itong nagtungo sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng reklamo laban sa suspek. (NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment