DRIVER, MAG-AMA PATAY SA ROAD MISHAP

PATAY ang driver ng isang pick-up truck habang patay rin ang isang mag-ama, at apat ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng mga bus sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa unang road accident sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, wasak ang isang pick-up truck matapos na bumangga sa kasalubong na bus na ikinamatay ng driver nito.

Habang sugatan naman ang mga pasahero nito kabilang ang driver at konduktor ng bus.

Isa ring bus ang nasangkot sa madugong road mishap nang sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo sa Diversion Road Crossing sa Barangay Ma-a, Davao City noong Sabado ng madaling araw.

Dead on the spot ang driver ng motorsiklo at 2-anyos na babaeng anak nito habang malubha ang isa pang angkas ng motorsiklo.

Inararo naman ng isa pang bus na pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ ni Appointed Son of God, Pastor Apollo Quiboloy, ang isang bahay at nakaparadang pick-up sa Purok 10-B, Brgy. Los Amigos, Tugbok District, Davao City noong Sabado ng umaga, Hunyo 1.

Hinihinalang nakatulog ang driver ng bus na nakadetine na ngayon sa Tugbok Police Station para sa kaukulang pagsisiyasat at paghahain ng kaso. (JESSE KABEL RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment