GRANADA, BARIL AT BALA NASAMSAM SA MAG-ASAWA

CAVITE – Sari-saring mga kalibre ng baril, bala at granada ang nasamsam sa bahay ng isang mag-asawa at dalawang kasamahan ng mga ito makaraang salakayin ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng search warrant, sa bayan ng Naic noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang isilbi ng CIDG Southern MM DFU (lead unit), NCR RFU CIDG at Naic Cavite MPS, ang isang search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, na inisyu ni Executive Judge Glenda Mendoza-Ramos, ng RTC Branch 36 ng Calamba City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas “Tere”, 58; asawa nitong si “Jose”, 59; “Jerome”, 36; at “Jonard, 35, sa Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite.

Nakumpiska sa bahay ng mga suspek ang apat na granada, 90 piraso ng bala ng kalibre .45, 33 piraso ng bala ng kalibre 9mm; isang unit ng M16 Elisco rifle, isang unit ng Glock 19 pistol caliber 9mm, 4 piraso ng magazine ng kalibre 9mm na kargado ng bala, isang kalibre 45 (colt mk4 series 80), 3 magazine ng kalibre 45 na may kargang bala, 3 long magazine ng kalibre 5.56 na kargado ng 30 na bala, isang long magazine ng kalibre 5.56 ng may 18 bala, isang short magazine ng kalibre 5.56 na may 20 bala, isang magazine (CMAG) para sa kalibre 5.56 na may 100 bala, 260 piraso ng bala ng kalibre 5.56; 2 shotgun, isang Stribog SP9A3 PCC cal. 9mm pistol, isang long magazine ng kalibre 9mm Stribog; dalawang short magazine ng kalibre 9mm stribog; at 49 bala ng kalibre 9mm.

Ang nakumpiskang mga granada, baril at bala ay nasa pangangalaga na ng tanggapan ng CIDG SDFU para sa documentation at disposition. (SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment