ILOILO MAYOR IPINASUSUSPINDE NG SANDIGAN SA GRAFT

sandigan

SUSPENSIYON ng 90-araw ang ibinigay ng Sandiganbayan sa alkalde at mga opisyal ng Calinog, Iloilo dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa million-peso fertilizer fund scam kung saan nilabag umano ng mga ito ang Section 13 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang kaso ay nag-ugat sa P728-milyong inilabas ng Department of Agriculture (DA) para sa farm inputs noong 2004 sa ilalim pa ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang panig, sinabi  ni Mayor Alex Centena na nagkaroon na umano ng desisyon noon ang Court of Appeals na misconduct ang nagawa nilang kasalanan at hindi korupsiyon kung saan anim na buwang suspensiyon ang iginawad sa kanila. Sinabi nito na sinunod lamang nila ang ipinagawa ng DA at wala rin umano silang ginawang anomaly o pagnanakaw sa pondo.

193

Related posts

Leave a Comment