SINAG MAYNILA FILM FEST 2019: IMPRESSIVE ANG LINEUP

SINAG1

WHATTA MEL(NI MELL T. NAVARRO)

PORMAL nang inihayag ang official finalists ng Sinag Maynila Independent Film Festival 2019, na ang Solar Films President na si Wilson Tieng ang founder at ang Cannes-award winning director na si Brillante Mendoza ang festival director.

Narito ang limang mga nominadong pelikula sa full-length film category:

Akin Ang Korona (The Crown Is Mine) – Directed by Zig Dulay. Cast: Angel Aquino, Nar Cabico (introducing). Comedy ito tungkol sa isang maliit na gay beauty pageant na naging center of attention nang umabuso ang organizers at participants sa dapat nilang gawin.

Jesusa  – Written and directed by Ronald Carballo, bida dito si Sylvia Sanchez sa sinasabi niyang pinakamapaghamong papel sa pelikula (naging drug addict, etc).  Kasama rin sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Fanny Serrano, and introducing Uno Santiago.  The film is set in a rundown community where Jesusa leads a normal life until circumstances drag her to be swallowed by the low lives of her neighbors.

Jino To Mari (Gino And Marie) – Kontrobersyal na pelikula ni Direk Joselito Altarejos. Bida sina Oliver Aquino at Angela Cortez. Tungkol ito sa dalawang sex workers na inarkila upang gumawa ng porno movie.  Sa shooting ay pinagawa sa kanila ang mga bagay na hindi napagkasunduan. Feeling trapped, they will be pushed to the edge of their dignity. Mukhang R-18 ang magiging MTRCB rating nito.

Pailalim (Underground) – Bida sina Joem Bascon at Mara Lopez, mula sa direksiyon ni Daniel Palacio, the youngest among the filmmakers. Istorya ito ng isang sepulturero na naninirahan sa loob ng sementeryo. Nang magkasakit ang anak, dahil sa kahirapan, ninakaw nito ang isang bagong libing na bangkay para magkapera.

Persons Of Interest – Written and directed by Ralston Jover, tampok dito ang award-winning actor na si Allen Dizon na past Sinag Maynila Best Actor rin for Bomba.  Kasama rin sina Dimples Romana at Yñigo Delen. Allen plays a man with two personalities – isang bulag at isang imaginary friend ng anak nitong 6 years old.

# # #

Kung exciting at impressive ang lineup sa full-length features (lalo na ang labanan sa awards dahil award-winning ang filmmakers and most of the actors), promising rin ang lineup sa short and documentary film categories.

Now on its 5th year, gaganapin ang festival sa April 2-9 sa piling sinehan sa Metro Manila tulad ng SM Cinemas, Podium, at iba pa.  A week later ay sa micro-cinemas naman ito ipapalabas.

As of press time ay kinukumpirma pa namin kung simultaneous itong ipapalabas sa Cine Adarna ng UP Diliman.

Ang kaibahan ng Sinag Maynila film fest ay ang pangalan at kredibilidad ng isang Brillante Mendoza – ang world renowned Filipino filmmaker na kilala sa world cinema dahil sa multiple international awards nito.

Congratulations to all the finalists!

 

 

75

Related posts

Leave a Comment