LALAKI NALUNOD HABANG NANGINGISDA

CAVITE – Nalunod ang isang 44-anyos na lalaki makaraang sumpungin ng pulikat ang paa nito habang nangingisda sa Manila Bay sakop ng Bacoor City noong Linggo ng umaga.

Isinugod sa Las Piñas General Hospital ang biktimang si alyas “Ronald”, ng Manuel Talon Singko, Las Piñas City, subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa salaysay ng nakatatandang kapatid nito na si alyas “Brendo”, nagtungo ang magkapatid sa dagat sa Manila Bay sakop ng Brgy. Zapote III, Bacoor City bandang alas-10:30 ng umaga upang mangisda.

Pumailalim sa tubig ang magkapatid ngunit habang nangingisda ay pinulikat ang biktima hanggang sa tuluyang nalunod.

Tinangkang tulungan siya ng nakatatandang kapatid at nang iahon ay ni-revive subalit hindi tumutugon dahilan upang isugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival. (SIGFRED ADSUARA)

39

Related posts

Leave a Comment