MAGKAPATID NAGLARO NG GRANADA, 1 PATAY

granada

DAVAO DEL SUR – Patay ang isang pitong taong gulang na bata habang malubha namang nasugatan ang kanyang nakababatang kapatid nang sumabog ang isang granada na hinihinalang pinaglaruan ng dalawa sa bayan ng Malalag sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Malalag Municipal Police Station, noong Huwebes ng umaga nang maganap ang grenade explosion na ikinamatay 7-anyos at Grade 1 pupil na batang lalaki habang sugatan naman ang limang taong gulang na kapatid nito.

Lumitaw sa paunang imbestigasyon na isang hand grenade ang napulot ng magkapatid habang naglalaro malapit sa kanilang bahay.

Posibleng umanong hindi alam ng dalawa kung anong bagay ang kanilang nakita kaya pinaglaruan ito at hindi sinasadyang nahatak ang safety pin dahilan upang sumabulat ito, ayon sa imbestigador.

Kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa Davao del Sur Provincial Hospital ang bunsong kapatid ng namatay na biktima.

Inaalam ng mga pulis kung kanino at bakit nagkaroon ng granada sa lugar. (JESSE KABEL)

76

Related posts

Leave a Comment