DAGSA na ang mamimili sa Bocaue, Bulacan para sa iba’t ibang paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ito ay sa harap ng pag-akyat sa 32 ang bilang ng mga biktima ng paputok, base sa tala ng Department of Health.
Walong bagong kaso ang naiulat sa Region 6,3 at sa National Capital Region simula noong Martes, isang araw matapos ang Pasko. Gayon man, ang bilang ay mababa pa rin ng halos 50 porsiyento kumpara sa bilang ng naitalaga noong nakaraang taon.
Sa 32 kaso, apat ang naputulan, ayon pa sa DoH.Kabilang sa mga paputok na delikado ay boga (improvised canon na gawa sa PVP pipe), kwitis, piccolo at trianggulo. Samantala, ang aerial fireworks sa Bocaue ay may presyo ng mula P800 hanggang P1,2000 depende sa uri nito.
Inaasahan din na tataas pa ang bilang ng mga mamimili sa December 29 hanggang 31 at dahil sa dami ng bibili, inaasahan na ring magmamahal ang presyo ng mga ito.
Pinaalalahanan naman ang mga tindero na may katapat na isang taong pagkabilanggo at multa na P30,000 sa mga mahuhuling nagtitinda ng ipinagbabawal na paputok./ jda
206