MOTORCYCLE RIDER TUGIS SA PAMAMARIL

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider matapos barilin at mapatay ang isang lalaki makaraan ang mainitang pagtatalo sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon.

Isinugod sa Las Piñas General Regional Hospital ang biktimang si alyas “Andrew” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na isang motorcycle rider at nakasuot ng itim na jacket, na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa report, nag-uusap ang dalawa hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay naglabas umano ng baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima bandang alas-3:30 ng hapon sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City, Cavite

Hindi naman binanggit sa ulat kung ano ang pinagtalunan ng dalawa. (SIGFRED ADSUARA)

47

Related posts

Leave a Comment