NAGTALO SA PARKING, 1 PATAY SA SAKSAK

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay dahil lamang sa isyu ng parking ng sasakyan sa Bacoor City noong Linggo ng gabi.

Isinugod sa Cavite East Asia Medical Center ang biktimang si alyas “Jimmy” ng Brgy. Molino 2, Bacoor City ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Jerson”, na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at kapatid nito sa harapan ng kanilang bahay sa isang subdibisyon sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, bandang alas-9:30 ng gabi nang dumating ang suspek.

Kinompronta nito ang dalawa at nagreklamo dahil wala umano itong maparadahan ng kanyang sasakyan.

Sa puntong ito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito ang hanggang sa nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek habang isinugod ang biktima sa ospital ngunit nalagutan ng hininga. (SIGFRED ADSUARA)

28

Related posts

Leave a Comment