NANLOOB SA CONVENIENCE STORE, TIMBOG

CAVITE – Hawak na ng Trece Martires City police ang isang suspek habang tinutugis pa ang bayaw nito matapos holdapin at tangayin ang P10,000 halaga mula sa isang convenience store sa Trece Martires City noong Linggo ng gabi.

Naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Jayson Elida y Alterado, 36, isang butcher, ng Brgy. Luciano, Trece Martires City, habang tinutugis ng mga awtoridad ang bayaw nito matapos holdapin ang Alfamart convenience store sa Brgy. Luciano, Trece Martires City.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police, dakong alas-10:56 ng gabi noong Linggo nang dumating ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at pumasok nasabing convenience store.

Pagkaraan ay naglabas ng baril ang isa sa mga suspek, nagdeklara ng holdap, at kinulimbat ang P10,000 cash saka mabilis na tumakas.

Sa pamamagitan ng CCTV footage ay nadakip ng mga awtoridad si Elida habang pinaghahanap pa ang kasabwat na bayaw nito.

(SIGFRED ADSUARA)

65

Related posts

Leave a Comment