PNP HANDANG HUMARAP SA CHR SA 14 NAPATAY NA ‘NPA’

PNP

(NI JG TUMBADO)

HANDA ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon kaugnay sa pagkakasawi ng 14 na umanoy kasapi ng new People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na police operations sa pagsisilbi ng search warrant sa Negros Oriental.

Ito ang naging tugon ng pamunuan ng PNP kasunod ng pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na kanilang umanoy iimbestigahan ang pangyayari kung ito nga ay lehitimo o sadyang pinatay ang mga ito.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernanrd Banac, handa silang tumugon sa mga kumukwestyon sa pagiging lehitimo ng operasyon.

Sinabi ni Banac na malayo sa katotohanan ang mga alegasyong masaker ang nangyari.

Sa magkakahiwalay na lugar aniya nangyari ang insidente, at sa katunayan ay mayroon rin na isang pulis na nasugatan sa operasyon.

Handa rin ang PNP na iprisinta ang mga ebidensya at rekord ng ginawang operasyon gayundin ang mga buhay na nadakip na kasamahan para patunayang lehitimo ang operasyon.

158

Related posts

Leave a Comment