PULIS DUMALO SA DRUG CASE HEARING, PINATAY SA KORTE

danao city12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng korte, Huwebes ng umaga, habang sugatan  ang tatlong iba pa sa Danao City, Cebu.

Nakilala ang biktimang  si SPO1 Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office bago nalipat  sa Autonomous Ragion in Muslim Mindanao (ARMM) noong 2016.

Samantala, inaalam pa ang pagkakailanlan ng tatlong nasugatan sa pamamaril matapos mahagip ng ligaw na bala, Isinugod ang mga ito sa Danao City District Hospital.

Nabatid sa paunang imbestigasyon na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente Huwebes ng umaga matapos ang pagdalo sa hearing ng drug case ng biktima sa Danao Regional Trial Court (RTC).

Bigla na lang umano  pinagbabaril ng  hindi nakikilalang suspek, na may kasamang isa pa na nagsilbing back-up, ang biktima.

Matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima, sinamantala naman ng mga suspek ang kaguluhan sa loob ng korte at humalo sa mga tao upang makatakas.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring krimen para sa ikalulutas nito.

 

104

Related posts

Leave a Comment