SINGLE PARENTS SINAGIP SA HUMAN TRAFFICKING

SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 kababaihan, karamihan ay single parents, pawang mga biktima ng human trafficking, sa isang establisimyento sa Mandaue City.

Sa pangunguna ng NBI-Cebu District Office, sinalakay ng mga awtoridad ang isang bar sa A.S. Fortuna Street sa Barangay Banilad, Mandaue City, na nagresulta sa pagkakasagip sa mga kababaihan.

Arestado naman ang umano’y supervisor ng bar na kinilalang si Rizal Novela na maaaring maharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law.

Nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang concerned citizen na umano’y may mga empleyado ang bar ang sangkot sa prostitusyon.

Napag-alaman na sa halagang P600, magkakaroon ng unlimited drinks ang mga kostumer saka ipakikilala sa kanila ng store manager o tinaguriang “Mamasang”, ang kanilang ‘customer care assistants.’

Ang mga kababaihan ay dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (RENE CRISOSTOMO)

23

Related posts

Leave a Comment