BERLIN, Germany — Habang dumadalo sa United Nations (UN) Peacekeeping Ministerial sa Berlin, Germany, kung saan binigyan siya ng pagkakataong ihatid ang mahalagang mensahe, inanunsyo ni defense secretary Gilberto Eduardo Gerardo ‘Gibo’ Teodoro Jr. ang pakikiisa ng mga Pilipinong sundalo at pulis bilang mga field military observer at officers na sumusuporta sa sa mga UN-mandated mission sa iba’t ibang lugar sa Mundo na may kaguluhan o digmaan.
Sa kanyang mensahe sa mga dumalong lider sa pledging session ng ministerial, tiniyak ni Teodoro na magbibigay ang Pilipinas ng mga military mobile training team upang mapaigting ang kahandaang sa peacekeeping mission upang matugunan at harapin ang umiiral na mga global challenge.”
Pinangako din ng kalihim ang pagtatalaga ng mga kababaihang peacekeeper para idiin na kanilang pakikibahagi ng mga ito sa mga alituntunin at posisyon ay esensyal sa peace operation effectiveness, credibility at long-term success.
Hinayag ng kalihim na isang light infantry battalion at police unit na binubuo ng tatlong platoon, na malaman ay kinabibilangang ng all-women na kasapi, ang itatalaga para sa mga UN peacekeeping mission.
“The challenges facing UN peacekeeping today demand that we come together collectively to respond to the present challenges of peacekeeping operations, meet head-on to advance innovative and responsive solutions, and answer the call for investing in and sustaining peace,” Ani Teodoro.
Inirecomenda rin niya sa mga kinatawan ng mga UN member state ang pagtatag ng bagong peacekeeping model sa gitna ng umiiral na kaguluhan sa daigdig, partikular na sa Middle East tulad ng digmaan sa pagitan ng Israel at mga Palestino.
“There must be a clear outcome when we engage in a peacekeeping mission and that political outcome must be based on and in line with the United Nations Charter,” kanyang tinuran.
“The UN fields its peacekeepers in conflict-stricken countries, to preserve its relevance and effectiveness, we must ensure robust political support and equip our missions to adapt and respond to complex and evolving threats,” dagdag niya upang bigyang halaga ang mga peacekeeping mission sa mga conflict area.
“As a concrete expression of this commitment, we pledge to increase the number of Filipino peacekeepers deployed globally in the years to come,” pagtatapos ni Teodoro habang inanunsyo rin ang hosting sa bansa ng 2025 Asean Peacekeeping Staff Exercise sa Setyembre, na ang layunin ay ihanda ang mga tropa ng regional bloc para sa mas ligtas at epektibong mga UN peace operation.
(TRACY CABRERA)
