Nagsagawa ng isang misa ang ‘Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero’ o PUSO ng NAIA sa pangangasiwa nina Bishop Ben Labor, Aldrin Lieva at Agustino Tangca, sa Pasay City upang iapela ang kanilang hinaing sa pamahalaan at private concessionaire na New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) na suspendihin ang dagdag-singil sa terminal fee ng nasabing paliparan na epektibo ngayong araw ng Lingo Septembre 14,2025.
Kasabay nito nanawagan ang PUSO ng NAIA ng isang tunay na ugnayan at konsultasyon kasama ang lahat ng mga stakeholder sa aviation industry.
