RIDING IN TANDEM TINUTUGIS SA PAMAMARIL SA JAPANESE

CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang riding in tandem na nakasuot ng uniform ng isang courier company, na responsable sa pamamaril sa isang Japanese national sa Gen. Trias City noong Huwebes ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Osamo Yamada, 52, director ng RTECH, at nanunuluyan sa Barangay Toclong 1C, Imus City.

Inilarawan naman ang mga suspek na magkaangkas sa isang green na motorsiklo at nakasuot ng kulay orange na uniporme ng isang courier company.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima malapit sa kanyang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant sa Brgy. Bacao 1, Gen Trias City, dakong alas-11:30 ng umaga nang lapitan ng mga suspek at binaril ng dalawang beses.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

196

Related posts

Leave a Comment