ANG BAGONG INSPIRASYON NI AIKO

(By RK VILLACORTA)

Isa din sa inspirado dahil sa kanyang buhay-pag-ibig ay si Aiko Melendez. Umatras ang aktres sa kanyang planong pagtakbo muli sa local politics ng Quezon City as a councilor dahil mas gusto niyang tulungan ang boyfriend nasi Mayor Jay Khonghun from the town of Subic in Zambales. Tatakbo si Mayor Jay for a higher position in the May 2019 election.

Inamin ng aktres na kusang-loob niya na tutulungan ang boyfriend sa kampanya. Hindi raw ito hiniling ng boyfriend.

Nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first year anniversary (as lovers) sa Japan.

After ng relasyon ng aktres sa dating mister na si actor Jomari Yllana (dad of Andre) at model Martin Jicain (dad of Martina); hopefully, this time ay si Mayor Jay na ang last at tutoong “Mr. Right” sa buhay ng aktres dahil, I believe, Aiko deserves to be happy.

Ngayon pa na tila may suwerte na dala si Mayor Jay sa aktres (she will be part of Coco Martin’s aksyon-serye na FPJ’s Ang Probisiyano simula January 2019). Kuwento ng mga media friends na naimbitahan ng aktres at ni Mayor sa pa-swimming-outing last weekend sa Zambales ay saksi sila kung gaano ka sweet ang dalawa sa isa’t isa.

4

Related posts

Leave a Comment