KATHYN INSPIRED DAHIL SA PINAPAKITANG SUPPORT NI DANIEL

(By RK VILLACORTA)

Inspired si Kathryn Bernardo sa kanyang trabaho lalo pa’t suportado siya ng boyfriend nasi Daniel Pa-dilla.

Nang sorpresahin ng binata ang dalaga na walang pasabi sa shooting nila noon ng pelikulang Three Words to Forever, super happy si Kathryn sa ipinamalas na gesture ng binata.

Dahil libre naman si Daniel, sinamahan niya ang dalaga for five straight days sa shooting nila.

“Nakaka-inspire kasi na ang taong mahal mo is very supportive sa ginagawa mo,” kuwento ng dalaga nang mapag-usapan si DJ (palawa ng binata) sa mediacon ng pelikula nila.

In last night’s celebrity red carpet premiere ng pelikula ng dalaga with Richard Gomez and Sharon Cu-neta, si Daniel ang escort ni Kathryn na sweet na sweet sa isa’tisa.

Bukas, Thursday, November 29 ay naka-schedule bumiyahe naman ang dalaga para sa US premiere ng pelikula nila na scheduled on Saturday, December 1, sa Los Angeles, California.

Para sa mga global fans and supporters ni Kathryn, Sharon and Richard, narito ang worldwide schedule ng screening ng obra ni Direk Cathy Garcia-Molina: December 6: Papua New Guinea at Middle East; December 7: USA at Canada; December 8: Sweden (Gothenburg); December 8 & 9: UK;

December 9: Denmark (Jylland), Ireland (Dublin), Italy (Rome, Milan & Florence), Norway (Kristan-sand), at Spain (Madrid); December 13: Australia at New Zealand; and on December 16: Norway (Oslo).

Balita ko, sasamahan ni Daniel si Kathryn sa US trip niya bukas na itutuloy na rin sa pagbabakasyon ng dalawa sa Amerika.

5

Related posts

Leave a Comment