BAKLASAN SA BAKCLASH

(BY JONATHAN “JONES” ANG)

Tunay na kinagigiliwan ng madla ang BakClash – ang pinakabagong portion ng pinaka-durable na kasalo sa pananghalian, ang Eat Bulaga!

Sa nakaaaliw na noon time show segment na ito, si Paolo Ballesteros na naka-make up at naka-costume bilang Regine Velasquez a.k.a. Ate Redg a.k.a. Songbird, ang siya namang umaaasta bilang si Ate Redgie a.k.a. Songchicken with matching tiktilaok  pagkatapos humalit ng “BakClaaashhh! Isa laban sa isa paaaa!” Hahahaha

Ang naturang constant opening and closing spiel na ‘yon ni Pao, kung inyong matatandaan, ay kahalintulad o offshoot ng trademark linyahang “The Clash! Isa laban sa lahat” na tumatak din naman sa mga televiewers dahil sa ito nga ang nagsilbing huling TV show ni Songbird bilang Kapuso bago siya tuluyang lumipad sa kabilang-bakod bilang Kapamilya itong buwan ng Nobyembre!

So, iyon na nga! Tagisan ng falsetto ang magkakatunggali sa daily round ng BakClash, bukod pa sa pa-witty-han ng batuhan at delivery ng punchline! Matira ang… pinakamagaling mag-ipit ng boses at consistent sa comic timing! So far, yung AJ at Echo ang pinakapaborito ng mga tagasubaybay!

12

Related posts

Leave a Comment