“BOHEMIAN RHAPSODY” SHOOTS TO NO. 2 ON ALL-TIME MUSIC BIOPIC CHART

Hindi na nga maawat ang pagiging hit ng “Bohemian Rhapsody,” ang bioflick tungkol sa rock band na Queen at ang frontman nitong si Freddie Mercury.

Dito sa Pilipinas o saan mang dako ng mundo, patok ang pelikulang ito kaya naman nag-shoot agad siya sa No. 2 bilang biggest biopic ever.

Ang third week box office returns ng movie ay umabot na sa $127 million sa USA palang, mula nang ito ay mag-debut. Dahil dito, biglang nag-shoot sa number two. Number one pa rin ang “Straight Outta Compton” (2015), ang N.W.A biopic. Pumangatlo na lang ngayon ang “Walk the Line,” (2005, Johnny Cash biopic).

Kung susukatin naman ang success nito sa buong mundo, mas lalong nakakabilib ang “Bohemian Rhapsody.” $265 na ang kinita nito outside the U.S. Bale $394 million na ang kinita nito sa kabuuan.

Dahil din sa kasikatan ng pelikula, biglang bumalik sa Billboard Hot 100 chart ang title song nito. Bale nag-chart ang kantang ito sa naturang chart in three separate decades now.

Pati ang soundtrack para sa “Bohemian Rhapsody” ay tumatabo rin, at ngayon ay ito an ang biggest selling Queen album, dinaig na ang “The Game,” ang 1980 album ng banda.

7

Related posts

Leave a Comment