CLINT BONDAD ‘PINALAYA’ NA SI CATRIONA

clint1

IN-UNFOLLOW na ng actor model at ex boyfriend ni Ms Universe Catriona Gray na si Clint Bondad sa kanyang Instagram account. Sa isang Instagram post ng Sabado, binasag na ni Clint  ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ng reigning Miss Universe.

Sa kanyang post na may kasamang video clip ng isang TV interview kung saan tinanong siya tungkol kay Catriona, sinabi nito sa caption na: “Man, and here I am working so hard on my bad boy image… You are still the most beautiful woman that I have ever met. I wish you the very best on your path, wherever it will carry you…Truly.”

Dagdag pa nito: “This is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life.” Bago nito, noong Biyernes, kinumpirma ni Catrional sa interview niya sa “Tonight with Boy Abunda” na hiwalay na nga sila ng guwapong model.

Sinabi rin nito na plano niyang maging single habang siya ang reigning Miss Universe. Sa dulo ng Instagram post ay nilagay ni Clint ang parte ng kanta ni James Blunt na “You’re Beautiful”: “But we shared a moment that will last till the end.”

121

Related posts

Leave a Comment