COCO MARTIN, HINDI APEKTADO SA PAGTAPAT NINA DINGDONG AT DENNIS

(By LOURDES C. FABIAN)

Thankful si Dennis Trillo kay Coco Martin sa pag-like sa kanyang post tungkol sa kanilang newest show,  ang Cain at Abel, with Dingdong Dantes sa GMA 7 na siyang bagong katapat ng consistent top-rating show ng ABS-CBN’s ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Magandang gesture ang ginawa ni Coco na ultimo mga kapwa niya artista ay pinupuri siya dahil nangangahulugan iyon na hindi niya pinepersonal ang ginawang pagtapat nina Dennis at Dingdong sa kanyang programa.

“Salamat sa pag- like Cardo @mr.cocomartin…” reaksyon ni Dennis sa ginawa ni Coco. Na sinagot naman agad ni Coco ng….”Congrats Bro sana magkatrabaho tayo soon!!!”

Siyempre pa, hindi pinalagpas ni Dennis ang chance na i-wish din ng maganda ang Kapamilya actor….   “Sana nga! Mabuhay at pagpalain ka pa lalo idol!”

Kung lahat ng mga artista natin ay tulad nina Coco at Dennis, na healthy competition for the best shows on television ang iniisip ay magiging happy at walang intrigahang magaganap whether Kapuso o Kapamilya star ka man.

Saludo ako sa pagiging humble mo, Mr. Coco Martin. Sana ang lahat ng mga sumisikat na artista ay tularan ka sa iyong exemplary attitude.

10

Related posts

Leave a Comment