TATLO PARA SA TATLO

(By JONATHAN ANG)

What do legendary actor-director Eddie Garcia, actress-comedienne Pokwang, and young filmmaker Carlo Enciso Catu have in common, kung tatluhan din lang ang pag-uusapan?

Well, as of this year, o sa loob ng maikling panahon, ang bawat isa sa kanila ay nakagawa ng tatlong film festival movies, or filmfest-worthy na pelikula.

Si Pokwang ay gumanap ng tatlong markado’t magkakaibang papel sa mga sumusunod na indie films: Mercury Is Mine, directed by Jason Paul Laxamana (Cinemalaya 2016), Sol Searching, directed by Roman Perez Jr. (Tofarm Filmfest 2018), at Oda Sa Wala, directed by Dwein Baltazar (QCinema 2018). Sa pakiwari ng marami, ang huling nabanggit na pelikula ang siyang marapat na panlaban for Best Actress ni Pokwang (na ginamit sa pelikulang iyon ang kanyang tunay na pangalang Marietta Subong) pagsapit ng awards season sa 2019.

Naging busy rin lately ang other two subjects natin. For this year alone, both veteran actor Eddie Garcia and promising young filmmaker Carlo Enciso Catu each made no less than three films!

Si Manoy ang pangunahing aktor sa ML na idinirihe ni Dominique Mique (Cinemalaya); sa Hintayan ng Langit directed by Dan Villegas (QCinema);

at sa Rainbow’s Sunset na si Joel Lamangan ang nagdirek (MMFF).

Ang Hintayan ay may nationwide commercial release sa mga piling sinehan simula Nobyembre 21, samantalang ang Rainbow ay ipapalabas sa pagsisimula ng MMFF sa darating na Kapaskuhan.

At ito namang Kapampangan film writer-director na si Catu ay namayagpag din dahil nakagawa siya ng tatlong pelikula: Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Cinemalaya), Mga Anak ng Kamote (Tofarm Filmfest), at Aria (produksiyon ng Holy Angel University).

Hindi naman sila masyadong busy, noh?

9

Related posts

Leave a Comment