DANIEL AT KATHRYN: MAY SEPARATION ANXIETY AGAD

katkath123

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

NAKAALIS  na pa-Hong Kong noong Lunes (April 8) sina Kathryn Bernardo and Alden Richards para simulan ang pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina. Worried ang KathNiel fans lalo na para kay Kathryn dahil first time daw nilang nakitang umalis ang kanilang idolo na hindi kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla.

Damang-dama ng mga taong nakakita sa airport ang eksena kung gaano nila mami-miss ang isa’t isa nang ihatid ni Daniel si Kathryn.

Talaga naman daw madamdamin at punumpuno ng pagmamahal ang paalaman ng dalawa.

Sa video na nai-post sa Instagram, Kathryn gave Daniel a tight hug before boarding her flight on her way to the movie’s location where she will be staying for a month.

Kathryn earlier revealed that she and Daniel will take a break from doing showbiz projects together for this year. Pero siniguro naman ni Kathryn na susunod daw sa Hong Kong ang kasintahang si Daniel kapag nagsimula na ang shooting doon.

“Ngayon pa lang nagkaka-sepanx na kami. Pero sabi niya bibisitahin niya ako do’n. He’s very supportive,” paniniguro ni Kathyrn.

 

89

Related posts

Leave a Comment