(BY MELL T. NAVARRO)
TOTOO nga bang walang pakialam ang batikang aktor at direktor na si Eddie Garcia sa National Artist Award?
Nang matanong kasi ng entertainment press ang 89-year-old legendary actor sa presscon ng pelikula nila ni Gina Pareño, ang “Hintayan Ng Langit,” noong Sabado, November 17 sa Tiyo Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, Tito Eddie was quoted as saying na, “Wala akong pakialam du’n! Hahaha!”
Ang naibato kasing tanong sa veteran actor ng isang reporter: “Lagi na lang pong may isyu everytime na may iniluluklok ang pamahalaan bilang National Artist (for Film), ano po ang masasabi ninyo dito?” At ‘yun nga ang tugon ni Tito Eddie, pero siyempre, sinabayan niya ito ng malutong na halakhak, meaning, it was said in jest, o pabiro lamang.
Pero bumawi naman siya sa reaksiyon na may ilang sektor sa showbiz na siya ang nais nilang maging National Artist for Film balang-araw, hindi lang dahil sa kanyang edad, kundi sa kanyang body of work for 60 years now (started acting at 20 years old), countless awards as actor or director (local and international), including Lifetime Achievement Awards and Hall of Fame honors.
“Siyempre, nagpapasalamat ako (sa mga nagsasabi noon),” wika ni Tito Eddie, na matinik pa rin sa kanyang movie career dahil in just two months eh nakasungkit siya ng dalawang Best Actor awards — nu’ng August 2018 sa Cinemalaya (for “ML”) at noong October 2018 lang sa QCinema para nga dito sa “Hintayan Ng Langit,” which will have its commercial release ngayong Miyerkules, November 21.
In a separate interview, nahingan rin siya ng press ng reaksiyon ng hindi muli pagkakapili sa Superstar na si Nora Aunor bilang National Artist this year. Aniya, “May committee na namimili diyan, and palagay ko ay dapat lang natin ‘yung respetuhin.”
Kaaliw ang role ng iconic actor sa “Hintayan Ng Langit” (fantasy-drama), dahil kung dati ay “mag-ama” sila ni Gina Pareño sa isang pelikula, ngayon ay “mag-lovers” na sila sa pelikulang ito tungkol sa mag-“ex” na namatay at nagkita sa purgatoryo, at maghihintayang makatawid sa langit. Ang nasabing pelikulang hango sa isang stage play written by Juan Miguel Severo and directed by Dan Villegas, ay mula sa Globe Studios.
130