‘NAHOLDAP’ NA PANGARAP NG ‘HOLDAP’

(By: JONATHAN ANG)

“Tungkol ito sa tatlong tangang holdaper (Pepe Herrera, Jerald Napoles, at Jelson Bay) na ang tanging pangarap ay makuha ang respeto ng kapwa nila holdaper sa kanilang barangay.

Para matupad ang pangarap na ito, kinailangan nilang magdagdag ng isa pang miyembro (Paolo Contis)…”

Bahagi ang film synopsis na ito sa panayam kay Marius Talampas, ang writer-director ng kontrobersiyal na pelikulang “Ang Pangarap Kong Holdap.”

Kontrobersiyal ang pelikula dahil usap-usapan lately sa showbiz circles ang naturang pelikula dahil sa pahayag ng Mavx Productions na siyang producer ng Holdap sakanilang Facebook page noong November 24 na: “Today is a sad day for us.Ang Pangarap Kong Holdap cannot get cinema slots.  According to them [theater owners], the movie is sending a bad connotation to the public because of its title (when the only intention is to entertain the audience and give a good laugh for less than 2 hours). This is our own way of making it lite for the Filipino people.”

“The movie is more than its title. We think what you’re doing is the REAL HOLDAP.”

Dumaing o umalma ang grupong Holdap sa social media kung saan ‘nagsumbong’ sila sa movie goers na hindi sila mabigyan-bigyan ng movie theater slots sa mga pangunahing sinehan sa bansa dahil nga tunog nega (negative) o BI (bad influence) ang pamagat ng kanilang pelikula.

In this regard, may malaman na kuda si Pepe Herrera (Holdap cast member) sa kanyang Instagram account: “I understand the concern. Sort of. But times are changing. The audience is evolving. Mas matalino at mas mapanuri na.

“If a content is dedicated purely to entertain, I believe the audience will feel it. At ‘yun lang naman ang pakay namin:  Ang magpatawa at ibahagi ‘yung mga patawa na nakakapagpatawa sa amin.”

Dagdag pa ni Pepe, “Kaya pakiusap, cinema owners, let us entertain the people. I assure you, the crime rate in the Philippines will not rise because of our film. Baka nga bumaba pa. he…he… Kasi, pangontra naman sa kahit anong masama ang pagtawa. Kaya sige na, papasukin n’yo na kami sa mga sinehan n’yo. Pag ginawa n’yo ‘yun, panalo lahat tayo.”

Makalipas ang isang araw… Surprise, surprise!

Matapos ‘mag-ingay’ sa social media ang Holdap group, lumabas ang announcement sa Facebook page ng movie outfit: “Good news, everyone! We are slowly being heard. Your continuous support can go a long way. Here’s the list of confirmed cinemas that will screen Ang Pangarap Kong Holdap starting on November 28: Gaisano Davao, Gaisano Tagum, Gaisano Gensan, Sta. Lucia East Grand Mall, and GreenhillsTheater Mall.”

(UPDATE:  as of posting, 21 cinemas na ang magpapalabas ng Holdap).

So, mukhang may happy ending naman pala para sa Holdap kasi kahit papaano ay may mga sinehan na willing ipalabas ang pelikulang ito.

Kaya mga ka-shumo na mahilig sa mga kakaibang indie film tulad ng Holdap, go na sa mga sinehan sa opening day nito ngayong Miyerkules! Magpa- Holdap na!

10

Related posts

Leave a Comment