‘HORROR QUEEN’ TITLE NI KRIS, NAAGAW NA BA NI JASMINE?

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

TINAWAG na ‘Horror Queen’ si Jasmine Curtis-Smith sa Maledicto mini-presscon na ginanap sa Prime Hotel noong nakaraang Linggo.

With her upcoming horror movie, si Jasmine na nga ba ang bagong Reyna ng Horror Films? Naagaw na ba niya ang naturang korona kay Kris Aquino na naunang binansagang Horror Movie Queen dahil sa scary movies na kanyang pinagbidahan tulad ng Shake, Rattle & Roll 3, Feng Shui, Sukob, at iba pa?

“Wag naman,” natatawang sabi ni Jasmine. “Huwag naman nating kunin ‘yun kay Madam… I know that’s her. That’s what she achieved on her own, so sa kanya ‘yun.”

If not Horror Queen, anong title ang bet niya?

“Lahat! Lahat ng genre! Char!” sagot ni Jas sabay tawa uli. “We’ll see, nine years pa lang naman ang career ko.”

Produced by FOX Networks Group (FNG) Philippines, co-produced by Unitel and Cignal Entertainment, and directed by Mark Meily, Maledicto hits cinemas nationwide May 1. Kasama ni Jasmine sa movie sina Tom Rodriguez, Inah de Belen, Miles Ocampo, at iba pa.

74

Related posts

Leave a Comment