(By LOURDES C. FABIAN)
Halatang–halata sa mga patutsada ni Janno Gibbs, actor, singer and comedian, na masama ang loob niya sa hindi pagkakasama sa “Family is Love” Christmas Station ID ng ABS-CBN, na inilunsad noong Linggo sa ASAP Natin ‘To.
“Wag n’yo ko hanapin sa station ID at asap nila yan,” ang hashtag ni Janno sa throwback picture nitong naka-post sa kanyang Instagram account noong Sunday ng hapon, November 18.
May caption itong: “Throwback to Sept. 12 this year when I signed w @starmusic.ph. Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e.”
May sagot agad si Janno sa mga namba-bash sa kanya dahil hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.
“Sometimes u just have to fight back especially when u think u have a point. I am normally a patient and nice person I’d like to believe. Let me be clear..I don’t mind waiting for work. Pinag-uusapan natin dito is that I signed up w Star Music and I think that entitles me to their Station ID as one of their singers. I’ m simply conveying my feelings. Dinaan ko pa nga sa joke. If it were a rant..serious ung caption. I’m not looking for pity. I just want to explain because people ask me what’s my project now,” ang paglilinaw ni Janno dahil umani ng iba’t ibang reaksyon ang ginawa niyang paglalabas ng sama ng loob.
In all fairness to Janno, before he transferred to ABS-CBN, he was a regular host in several GMA-7 shows such as All Star K, Sunday All Stars and Kakasa Ka Ba Sa Grade 5. Maganda na ang pwesto niya dati sa GMA 7 kung bakit naman kasi naisipan pa niyang lumipat sa Dos. Katwiran naman ni Janno….
“Hindi ko kayo iniwan. Walang ibinibigay na work sa akin ang @gmanetwork, kaya kailangan kong kumilos. ”
Mukhang biglang na-confuse si Janno. Saan ba talaga siya dapat naging loyal, sa GMA Network o sa ABS-CBN kung saan siya nakakontrata ngayon? Pero paulit-ulit na sabi niya na ayaw rin sa kanya ng ASAP eh.
So saan na ba talaga ang loyalty niya ngayon? Binura na niya ang nasabing IG post na umani ng katakut-takot na reaksyon.
290