SHARON, JUDAY, LUIS AT JESSY, WALA SA STATION ID NG DOS

(By LOURDES C. FABIAN)

Walang humpay ang pagkukumpara sa dalawang magkaribal na network sa inere nilang Station ID’s:  Ang Family Is Love mula sa ABS-CBN at ang Ipadama  Ang Pasko na siya namang holiday handog ng GMA 7.

In all honesty, parehong maganda, kahanga-hanga at makabuluhan  ang Christmas Stations IDs ng magkalabang dambuhalang networks. Iyon na nga lang, mas marami kang makikitang  popular and hottest stars sa over 400 Kapamilya stars mula sa ABS-CBN network.

Pero kumpara last year kung saan kapansin-pansin at angat na angat at halatang binigyan ng special treatment si Megastar Sharon Cuneta, ngayon ay hindi siya nakita doon. Maging ang leading man si Shawie sa latest movie nila na Three Words To Forever na si Ri­chard Gomez ay hindi rin visible — kung kailan pa ipinapalabas na sa TV ang trailer ng naturang pelikula.

Wala rin si Judy Ann Santos ng Magandang Buhay.

Hinanap din namin ang magaling na game show host ng I Can See Your Voice na si Luis Manzano at ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Maging ang afternoon drama princess at bida ng Asintado na si Julia Montes ay wala rinHindi rin nakita doon sina JM de Guzman at Barbie Imperial na bida sa katatapos lang na afternoon drama series na Araw-Gabi ng Precious Hearts Romances.

21

Related posts

Leave a Comment