JUAN MIGUEL NAG-SORRY SA PAG-ABANDONA KAY JANELLA

janella12

 SUMIKAT si Juan Miguel Salvador simula noong 80s bilang member at lead singer ng Rage Band. Apo siya ni Lou Salvador, Sr. na si Pedro Salvador. Anak naman niya ang singer-actress na si Janella Salvador kay Jenine Desiderio, na singer-actress din.

Nagkahiwalay ang mga mga magulang ni Janella noong siya ay 4 years old pa lamang. At noong September 2018 lang, bumalik na sa poder ni Jenine ang anak na si Janella, matapos nitong humiwalay sa ina matapos ang hindi nila pagkakasunduan.

Kamakailan lang, naging special guest si Janella sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.” Dito nag-apoligize si Juan Miguel sa anak dahil nawalay ito nang matagal sa kanya at kay Jenine bago sila mag-reunite last year lang. Naging emosyonal ang anak nang regaluhan ito ni Juan Miguel ng isang singsing, bilang tanda ng kanilang “bond.”

135

Related posts

Leave a Comment