KRISTOFFER MARTIN HINDI LILIPAT SA KAPAMILYA

(NI ROMMEL GONZALES)

IN our recent interview with Kristoffer Martin ay tinanong namin ang Kapuso actor kung maySCENES pagkakataon ba na naisip niya na umalis sa GMA?

“Puwede kang magtanong, puwede mong isipin, puwede mong anuhin pero… inaalagaan ka naman ng GMA, e.

“Nandiyan naman sila para iyo.

“I trust the  network naman, e. Kumbaga sabihin nating oo, existing yung feeling na minsan nagiging impatient ako pero kasi eleven, twelve years na kasi ako sa showbiz, e.

“Parang to yourself you know what you deserve e, iyon lang siguro yung sa akin.”

Masasabi raw niya na siya ay isang loyal Kapuso.

“Yes, of course, of course. Until the end Kapuso ako,” bulalas ni Kristoffer.

Kaya wala raw talagang isyu tungkol sa kanyang paglipat.

Samatala, ngayong Sabado sa Magpakailanman sa GMA, ay pasabog ang Fathers And Lovers episode dahil gaganap na lovers sina Kristoffer (bilang si Peter) at Paolo Contis (bilang si Rocky)!

Hosted by Ms. Mel Tiangco, tampok rin sa naturang episode sina Lui Manansala, Gigi Locsin,  Lovely Abella, Paolo Paraiso, Yasser Marta, Elle Ramirez, Sue Prado, Ruby Rose Arcilla, Jayla Villaruel, Perry Escano, Neptune Sison.

Ang naturang episode ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

oOo

TEKLA AND BOOBAYTwo years ago ay nagka-mild stroke si Boobay at sumailalim siya sa therapy upang muling makapagsalita at makapagtrabaho, that time ay hindi rin gaanong nakakakilala si Boobay bunga nga ng stroke.

Ang sobrang pagtatrabaho ang naging sanhi ng stroke noon ni Boobay, kaya naman ngayon ay marunong na siyang magdahan-dahan.

Kumusta na ang kalusugan niya ngayon?

“Okay-okay naman na.”

Mas aware at maingat na si Boobay ngayon.

“Yes! Pag nararamdaman ko naman na parang may something, pag pagod na talaga ako, nagpo-pause na talaga ako, hindi ko na tinutuhug-tuhog ang mga bagay-bagay.

“Ibang-iba na kaysa before.”

Hindi naman raw paguran ang taping nila ng The Boobay And Tekla Show (TBATS) nila ni Super Tekla na mula sa pagiging GMA online show ay mapapanood na sa GMA simula sa Linggo, January 27 (10:25-11:25 pm) pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala nasa Australia pa rin ang boyfriend ni Boobay na si Kent Juan Resquir dahil nagtatarabaho ito doon bilang physiotherapist at nag-aalaga rin ng stroke patients.

Malaki ang naitulong ni Ken para gumaling agad si Boobay mula sa stroke niya noong November 2016.

“Uuwi siya sa February 14,” ang tumatawang bulalas ni Boobay.

Six days lang daw sa Pilipinas si Kent

Dalawang taon na ring long-distance relationship (LDR) ang namamagitan kina Boobay at Kent; nang gumaling si Boobay ay nagtrabaho na si Kent sa Australia.

 

 

12

Related posts

Leave a Comment