MARK ANTHONY OUT SA CLAUDINE MOVIE, NADINE OUT DIN SA “THE NURSE”

EXPRESS LOGO copyHINDI si Mark Anthony Fernandez ang makakapareha ni Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik-pelikula, kundi si Xian Lim.

Magkakasama sina Claudine at Xian sa isang romance-drama movie under Viva Films.

Ayon sa aking source, mabilis daw na nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Masaya raw sila sa set.  Gandang-ganda raw si Xian kay Claudine na, in fairness, ay medyo pumayat na bago nila simulan ang pag-shoot ng pelikuka.

Okey na okey din naman daw si Xian kay Claudine at hanga raw ang aktres sa actor dahil magaling itong umarte.

Aabangan syempre ng movie goers kung ano ang ibibigay sa atin ng dalawa kapag natapos na ang pelikula. Gow!

oOo

GIVE up na si direk Jun Lana kay Nadine Lustre.

Hindi na si Nadine ang bida sa The Nurse. Sobrang hectic daw ng sked  ni Nadine at wala itong maibigay na day and time kay direk Jun,  kaya naman the director has decided na palitan na lang ang aktres.

Nanghihinayang lang si direk Jun kay Nadine dahil almost two years silang nag-usap para sa project na ito – to the point na naghintay si direk Jun ng maibibigay na availability ng oras ng aktres, pero hindi na nga nangyari.

Perfect daw kay Nadine ‘yung project, kaya naman wait to death si direk Jun, pero hindi rin pala matutuloy si Nadine.

Balitang kinakausap na si Bela Padilla para ito ang makasama sa The Nurse.

May nagsasabi naman daw na wala namang ginagawa si Nadine kundi ang bumuntot-buntot at magbantay kay James Reid sa kung saan-saan at alamin kung anu-ano ang ginagawa nito.

Pero, gusto rin daw naman ni James na lagi niyang kasama si Nadine kahit saan.

Ay ganun?! So, ayaw ng maghiwalay? Okey! Gow!

Baka isang araw , magising na lang si Nadine na wala nang kumukuha sa kanya habang tambak pa ng project si James.

Mag-isip-isip s’ya!  Pak!

6

Related posts

Leave a Comment