This columnist is a self-confessed big fan of film director Mike de Leon. Sa katunayan, noong college pa.
It has always been a mix of both fascination and admiration sa kanyang atake sa material, varied as it is out of the box.
Para sa amin, gamay ni Direk Mike ang kahit anong genre: drama (Kisapmata), musical (Kakabakaba Ka Ba?), Commercial (Hindi Nahahati Ang Langit), even socially relevant (Sister Stella l), among others.
Ang pinakahuli niyang obra, ang Citizen Jake, is woven into the present political landscape. At eto ngayon ang kanyang latest material, neither a full-length nor an indie film kundi isang video which has a running time of 5:05.
May pamagat na Kangkungan, it loosely takes its inspiration mula sa pamosong idiomatic expression nating mga Pinoy na, “pupulutin ka sa kangkungan.”
Bahagi ito lalung-lalo na ng police jargon many years ago to mean a victim or victims of summary execution whose lifeless bodies are dumped and left floating kasama ng mga kangkong sa ilog.
In Direk Mike’s video, however, it features no literal reference sa mga naglulutangang bangkay sa kangkungan, but rather tungkol ito sa buhay (life) ng mga buhay (the living) nating mga mamamayan sa ilalim ng umano’y diktadurya ni Pangulong Duterte.
Inisa-isa‘t hinimay-himay sa video ang mga kasalukuyang kaganapan sa ating lipunan, taliwas sa mga binitiwang pangako ni Digong noong siya’y nangangampanya.
Oo nga naman, ang kasalukuyang taon (2019) ay panahon ng panibagong eleksiyon which will see the next set of leaders (not necessarily new)—both local and national—plotting this nation’s direction (kung meron ngang patutunguhan, ha?).
Opo, ang video na ‘yon ay hindi nagkukubli sa anino ng isang parehas na pananaw sa gobyerno kundi isang lantarang pag-atake sa administrasyong Duterte na wala umanong pagkakaiba sa Marcos.
Isang malakas na panawagan ‘yon higit lalo para sa mga kabataan, na binigyang-katwiran sa pamamagitan ng mga ‘di na kanais-nais nang nangyayari sa ating bansa.
Nabuhay na muli sa katauhan ni Direk Mike ang namatay mang katawang-lupa ng mga kapwa niya direktor na si Lino Brocka, Behn Cervantes atbp. Pero nanunuot pa rin ang buhay nilang prinsipyo sa kalamnan, that one has to bravely stand up.
We just can’t help but feel scared for Direk Mike. God forbid, huwag sanang bukas-makalawa’y may paglagyan for his cinematic defiance. As has been reported, walang puwang ang mga kritiko ng administrasyon samantalang ginagantimpalaan ang mga tagasuporta.
Mike de Leon’s Kangkungan, please don’t misspell the title. Hindi po ito triple x film.
200