LABANAN ng dalawang tigasing koponan ang masasaksihan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Maghaharap sa alas-4:00 ng hapon ang four-peat seeking De La Salle at University of the Philippine.
Sa alas-2:00 ng hapon naman ay magsasalpukan ang UST at FEU.
Target ng Tigresses ang ikalawang sunod na panalo laban sa Lady Tamaraws, na pipiliting tapusin ang two-game slide.
Wala pang talo ang La Salle (3-0), habang ang UP at UST ay nakabuhol sa three-way tie (kasama ang pahingang Ateneo) sa second spot (2-1).
Ang last season’s runner-up FEU ay wala sa top four bunga ng 1-2 card, kasama ang University of the East at National University.
Sa huling sabak ng Lady Spikers noong Miyerkoles, pinatikim sila ng Lady Bulldogs ng kaba bago naitakbo ang 25-10, 20-25, 27-25, 25-22.
Ang Lady Maroons, na hindi nakasama ang may dinaramdam na si setter Ayel Estranero, ay nagmatigas muna bago sumuko sa Tigresses noong Linggo, 24-26, 27-25, 16-25, 20-25.
Pero, sa pagbabalik ni Estranero, batid ni La Salle coach Ramil de Jesus na pahihirapan sila ng UP.
“Yung UP kasi kahit ‘yung mga second stringers nila, mabigat din,” lahad ni De Jesus. “May weak point din sila at sana ma-maximize kung ano yung kahinaan kung anong meron sila.”
Samantala, sa men’s division, babawiin ng FEU ang solo liderato sa pagsabak kontra UST sa alas-8:00 ng umaga, habang ang UP vs La Salle, parehong winless ay papagitna sa alas-10:00 ng umaga. (VTROMANO)
In the men’s division, FEU tries to regain the solo lead as it tangles with UST at 8 a.m., while UP and De La Salle clash in a duel of winless teams at 10 a.m.
Laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – FEU vs UST (Men)
10 a.m. – UP vs DLSU (Men)
2 p.m. – FEU vs UST (Women)
4 p.m. – UP vs DLSU (Women)
131