‘RACIAL SLUR’ NI DUTERTE SINAGOT NI ALEX

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

WHAT’S  in a racial color? Unless you’re a racist, hindi ba dapat ay wala?

Si Alessandra de Rossi na may dugong Italyano is one local celebrity whose one’s race is no big deal. Her longer years of stay in the country makes her a Filipino more than an Italian.

Hindi kataka-taka na nag-react ang aktres sa racial slur na binitiwan ng ating mahal na Pangulo, na hindi pa nakuntento nang murahin si dating US President Barrack Obama.

Ang obyus na ikinapanting ng tenga ni Alessandra ay ang linyang “Ang itim-itim mo!” ni Digong. She took to social media her comment na kinomedi na lang niya, “Pa-order ng iced tea with gluta!”

Buong akala namin ay sa Amerika mas laganap ang racial discrimination o apartheid, lalo na sa pagitan ng mga Puti at mga Asyano. Wala rin pala itong iniwan dito sa atin.

It is so touchy an issue kasi na walang ipinagkaiba sa mga usapin tungkol sa kasarian o relihiyon, that it has to be taken up with prudence.

Dahil dito’y lalo pa kaming pinahanga ni Alessandra na noon pa ma’y prangka na kung magsalita pero marespeto pa rin.

Sa tinurang ‘yon ni Digong, ano kaya ang masasabi ng iba nating mga local celebrities na kakulay ni Barrack, the likes of Wilma Doesn’t, among others?

Or Wilma doesn’t care at all? Dahil para sa kanya, black is beautiful.

# # #

Hindi pa man malinaw ang takbo ng kuwento sa likod ng Alden Richards-Kathryn Bernardo movie under Star Cinema ay lumutang na agad ang ipantatapat dito.

Ang sinasabing pangabog sa untitled film na ‘yon ay tatampukan naman nina Maine Mendoza at Daniel Padilla, Alden’s and Kathryn’s screen partners, respectively.

Masalimuot ang pinagdaraanan ng dalawang orihinal na tambalan.

Kung sinasabing nabuwag o dissolved na ang AlDub, the KathNiel tandem is going through a challenging phase. Timeout muna ang huli sa pagiging magkasama in film projects until 2019 is over.

But we’re looking beyond.

Kung kailan naman kasi nagbitiw na sa kanyang mataas na puwesto si Arnel Ignacio sa OWWA, an agency which is looking into the plight of our OFWs deployed elsewhere in the world, ay saka pa magkakaroon ng kuwento tungkol sa kanila, their struggles, their dreams, even failures.

Sa ilalim na direksiyon ni Cathy Garcia, na balitang palamura sa set sa mga artistang banong umarte, ngayon ay mapapatunayan na ni Alden if he has indeed arrived as an actor.

Kapag nakatikim siya ng expletives mula sa lady director, #AlamNa.

168

Related posts

Leave a Comment