SA KASAL NI LOTLOT: DARATING KAYA SI ATE GUY?

(By: RONNIE CARRASCO III)

Wedding bells will ring anew for Lotlot de Leon.

Sa darating na December 17, magiging ganap na Mrs. Fadi El Soury na si Lotlot who will tie the knot with her Lebanese fiancé.

Sa San Juan, Batangas—137 kilometers away from Manila—gaganapin ang espesyal na araw na ito sa buhay ng aktres.

Matatandaang nauna nang ikinasal si Lotlot kay Ramon Christopher, anak ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, noong 1989. Lotlot was then 17. Na-annul ang kanilang kasal noong 2008.

Throughout their marriage, nabiyayaan sina Lotlot at Monching ng apat na anak, one of whom is Janine Gutierrez who followed in her parents’ footsteps.

Unlike most children who are not in favor of either their parent’s getting into another relationship —much less remarrying — tanggap ni Janine ang pagkakaroon ng ina ng bagong minamahal. In fairness, despite their separation Lotlot and Monching remain friends.

Samantala, aminado si Lotlot na hands-on siya sa preparation para sa nalalapit niyang kasal. Mula raw sa venue at imbitasyon hanggang sa mga giveaways ay tinutukan niya.

Ang tila hindi pa tiyak ni Lotlot ay kung sisipot ang kanyang inang si Nora Aunor. She can only pin her hopes although kumpirmado nang darating ang kanyang amang di Christopher de Leon.

Ang anak niyang si Diego ang maghahatid sa kanya sa altar habang tatayong maids of honor ang kanyang tatlong daughters. Kabilang din sa entourage ang kanyang mga kapatid na sina Ian at Kiko.

7

Related posts

Leave a Comment