MAYMAY ENTRATA: SINO BA SIYA?

(By BEN BAÑARES)

MAYMAY ENTRATA. Sa mga hindi updated sa celebrity happenings o hindi mahilig manood ng TV, mag-crash course tayo: MAYMAY ENTRATA 101…

Maymay is a Kapamilya, meaning nasa bakuran siya ng ABS-CBN. She is considered as “the next big thing” sa fashion industry. She is also referred to as “a top model in the making.”

Saan ba siya nagsimula?

Si Maymay ay tubong Cagayan de Oro. Siya lang naman ang big winner sa Pinoy Big Brother reality show noong 2016. O, di ba? So, bale two years na siya sa showbusiness. Paglabas niya ng “Bahay ni Kuya,” sumubok siya sa iba’t-ibang larangan ng entertainment business: acting, singing, dancing, recording at product endorsement.

At last month lang, nagsimulang magbukas ang pinto para sa kanyang career sa pagrampa. Inimbitahan siya ng sikat na fashion designer na si Rajo Laurel na mag-model para sa kanyang charity fashion gala. Sa tweet ni Rajo noong October 13, sinabi niya na: “My dream is for @maymayentrata07 to walk on show. Nov 23 is the date. I am creating a piece specially gif her. I pray this will happen.”

Ang November 23 event na tinutukoy ni Rajo ay ang unveiling ng kanyang Hello Kitty collection, na bagay sa image ni Maymay.

Pero bago pa man itong Hello Kitty event na ito, naimbitahan din si Maymay ng AMATO Couture na rumampa para sa kanilang international Arab Fashion Week na nagsimula kahapon, November 20. Siya ang first ever Pinay na naimbitahang mag-model sa prestigious fashion even na ito. Tinalbugan nya lang naman ang mga batiking fashion models at mga naggagandahang artista, di ba?

Dumating si Maymay sa Dubai kahapon at nagsimula nang mag-rehearse para sa naturang event. November 23 siya nakatakdang rumampa dito.

O, kilala n’yo na si Maymay ha?

5

Related posts

Leave a Comment