SIKAT NA MATINEE IDOL NG KAPAMILYA, P1-M PER NIGHT?

HUNK100

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

OUR fave Editor BenThought, idol na idol namin si aktor nang kasikatan at prime ng kakisigan niya.

Maraming indecent proposal sa kanya ang mga baklush. Turned down lahat.

Shocked kami dahil nasa market na siya ngayon. Flesh market, Ben Thought! P10K na lang ang market value niya ngayon.

Kaya lang may rate pa rin si aktor na support na lang ngayon sa mga soap. Hindi raw puwedeng i-deep throat ang mahaba niyang *toot*. No touch. No kissing, no touching. As in magme-“Mary Palmer” lang siya sa harap mo. Nakaloloka.

So unlike sa isang matinee idol na bago siya naging boyfriend ng showbiz royalty princess ay P10K siya sa lahat ng gustong tumikim sa kanya.

Dahil sikat na siya ngayon sa Kapamilya Network, hindi na pwede ang P10K lang! ONE milyon na siya ngayon.

Ang kasikatan nga naman. Yours ang pirasong karne ng sikat if the price is right.

 

MARCO ‘DI TULUY-TULOY ANG PAGPAPASEKSI

 

Dahil kumita ang Ulan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino, malaking recipient ng success ay ang actor na si Marco Gumabao. Isa is Marco sa mga leading man ni Nadine sa naturang pelikula.

“’Yung character ko rito si Andre, you’ll see him sa first part of the movie. Pero ang pinakatumatak sa akin na scene dito ay ‘yung first scene na unang pagkikita ni Maya (karakter ni Nadine) at ni Andrew. And also ‘yung tennis scene; medyo nakakatawa kasi ‘yon,” share sa amin ni Marco.

Kapansin-pansin ang magandang pangangatawan ng aktor. Nagpapaseksi na si Marco para sa teleseryeng “Los Bastardos.” Marami ang nagtatanong sa kung tuluy-tuloy na ang kanyang paghuhubad sa mga proyekto.

“Hindi po, ayoko pa. Hanggang briefs lang ako (sa fashion show). Actually, kahit sa mga movies man or sa teleserye, hindi rin naman ako naghuhubad totally. Kasi ayaw ng manager ko, ng Viva na ipakita ko lahat,” tsika pang nakangiti ng aktor.

“Itong ‘Los Bastardos,’ it’s the best venue para magpakita. Pero sa taping namin, hindi kami parating nakahubad. Kasi ‘yun ang iniisip ng tao eh,” funny pa na paglalahad ng binata.

 

ITINADHANA?

 

Ilang beses na nagkasama sina Sam Milby at reigning Ms. Universe Catriona Gray. Sa huling  pagtatagpo nila ay nakunan sila ng photo at naging viral agad ito.

Pero nilinaw agad ni Erickson Raymundo, ang manager ni Sam na local business manager din ni Catriona, na priority ni Catriona ang kanyang reign as Ms. U.

Kaya nakipag-break siya sa kanyang boyfriend na si Clint Bondad na isang struggling model/actor.

Dahil wala na si Clint, wala nang nega factor kung aakyat ng ligaw si Sam. Si Catriona ay isang perfect wife material for Sam. Iisa ang kanilang handler. Belong sila sa iisang church/faith. Kaya sa palagay namin ay made for each other silang dalawa.

 

 

 

122

Related posts

Leave a Comment