SIM CARD, NATIONAL ID ISUSUNOD NG HACKERS

HINDI malayong isunod na atakihin ng mga hacker ang database ng subscriber identity module (SIM) card registration at National ID System matapos ang kanilang pag-atake sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Babala ito ni House deputy minority leader France Castro kasabay ng apela sa ibang ahensya ng gobyerno partikular sa National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information Communication Technology at Philippine Statistics Authority (PSA) na matuto sa karanasan ng PhilHealth.

“The PhilHealth hacking should serve as a wake up call for government agencies to be extra vigilant in protecting the data of their members,” ani Castro na kabilang sa naghain ng resolusyon para imbestigahan ang data breach sa PhilHealth.

Inamin na ng National Privacy Commission (NPC) na umaabot sa 730 gigabytes (GB) ng data sa PhilHealth ang na-hack ng Medusa ransomware group na katumbas ng 1 milyong pahina ng impormasyon.

Labis itong ikinabahala sa Kongreso dahil hawak na ng cyber criminals ang mga sensitibong impormasyon, hindi lamang ng PhilHealth kundi maging ang kanilang mga miyembro.

“This is really shocking considering that millions of PhilHealth members data are in there.

Now imagine if these hackers target the database of the SIM registration as well as that of the national ID system, majority of Filipinos private data would be compromised,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, kailangang kumilos aniya ngayon pa lamang ang NTC, DICT at PSA para protektahan ang mga tao dahil maaaring gamitin ng hacker ang mga nakuhang impormasyon.

(BERNARD TAGUINOD)

244

Related posts

Leave a Comment