Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang kanilang bagong Binangonan 115 kV-34.5 kV Substation na matatagpuan sa kahabaan ng Manila East Road, Tagpos, Binangonan, Rizal.
Binibigyan nito ng solusyon ang critical loading ng Dolores Substation power transformer bank 1, at pinabababa ang line exposure ng mga circuit nito.
Maliban sa pagbigay ng karagdagang kapasidad sa mga bago at karagdagang power requirements sa mga bayan ng Angono, Antipolo, Binangonan, Cardona, at Taytay sa lalawigan ng Rizal, ang bagong substation na ito ay magbibigay din ng karagdagang operational switching flexibility, at magpapababa ng technical system loss sa lugar.
Sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng community quarantine o ng alert level system sa buong bansa dulot ng pandemyang COVID-19, ang Meralco at ang mga subsidiaries nito ay walang tigil na nagtra-trabaho upang mas mapabuti ang distribution system nito upang makapaghatid ng ligtas, sapat, reliable at sustainable na serbisyo ng kuryente sa lahat ng kanilang mga customers.
390