DUTERTE AT SOTTO MAGLALABAN SA VP RACE – SURVEY

LABING WALONG araw na lang bago ang halalan, lumabas sa survey na mas humigpit ang karera ng Bise Presidente sa pagitan nina Mayor Inday Sara Duterte (51%) at Senate President Tito Sotto (40%).

Sa pinakahuling nationwide survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc., lumitaw na si Mayor Sara Duterte pa rin ang nanatiling nangunguna sa pagka-bise presidente, samantalang ang pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto ay umangat muli ng limang porsyento kung ang halalan ay gaganapin sa pagitan ng April 1-6, 2022.

Sa nakaraang survey na isinagawa ng parehong kumpanya mula Marso 15 hanggang 22, lumitaw na bumaba ang “voters preference” ni Duterte ng tatlong puntos, mula 54 porsiyento. Samantalang, tumaas ang numero ni Sotto mula 35% noong Marso hanggang 40% nitong Abril.

Ibinunyag din sa survey na habang napanatili ni Duterte ang kanyang “balwarte” at namumuno sa kanyang probinsya sa Mindanao, kung saan 68 porsyento ng mga nakibahagi ang pumili sa kanya, nalagasan naman ito ng 7 percent kung saan nakinabang si Sotto. Nanguna rin siya ngunit bumaba ng bahagya sa Metro Manila (50%) at Visayas region (42%).

Sa kabilang banda, tuloy ang pag angat ni Sotto sa Mindanao at napanatili ang lakas sa National Capital Region (NCR) at Luzon. Nakamit naman ng “significant increase” sa Metro Manila (40%) at Visayas (42%).

Samantala, nalagasan naman ng suporta si Sen. Kiko Pangilinan kaya 5% na lang ang kanyang overall rating at nakinabang si Sotto. Si Doc Willie Ong at Buhay party-list Cong. Lito Atienza naman ay may 1 porsiyento na score.

Lumabas din sa survey na ang ACT-CIS (7.45 percent) ang “top choice” na party-list ng mga botante, sinundan ng An Waray (6.35%), Ako Bicol (6.18%), Ang Probinsyano (4.97%), at Gabriela (4.75%).

Ang “RPMD Boses ng Bayan: Halalan 2022” ay isang non-commissioned poll na isinagawa mula Abril 1-6, 2022, na may 10,000 rehistradong botante bilang mga respondent sa buong bansa gamit ang mga face-to-face na panayam at random sampling na may +/- 1% margin ng error, sabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMD

121

Related posts

Leave a Comment