Grupo ng mga Senior Citizen, Suportado ang Bagong Prangkisa para sa Meralco

Kaisa ang Senior Citizen party-list sa panawagan na mabigyan ng bagong prangkisa ang Meralco.

Ayon kay Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes, tinutupad ng Meralco ang tungkulin nito na maghatid ng maasahang serbisyo ng kuryente sa mga customer, kabilang na ang mga senior citizen.

Dagdag pa ni Ordanes na siya ring tagapangulo ng House Committee on Senior Citizens, karamihan sa mga matatandang Pilipino ay hindi na naghahanapbuhay at umaasa na lamang sa kanilang mga pamilya kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng maasahang tagapaghatid ng serbisyo ng kuryente gaya ng Meralco para sa kanilang komportableng pamumuhay lalo na sa mga may sakit.

“Ang pagbibigay ng mura at maasahan na kuryente ay mahalaga sa mga senior citizen na mas apektado tuwing nagkakaroon ng aberya sa serbisyo ng kuryente. Ang pag-renew sa prangkisa ng Meralco ay makatutulong upang masiguro na ang mga matatanda ay mayroong ng tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente,” ani Ordanes.

Panawagan ng nasabing mambabatas, tulungan ang industriya ng enerhiya sa halip na batikusin ito dahil maaari lamang itong magdulot ng dagdag na problema.

Aktibong sinusuportahan ng Meralco ang mga senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa kanila.

“Ang Meralco ay nagbibigay ng five percent discount para sa mga qualified senior citizen upang mapagaan ang kanilang gastusin at guminhawa pa ang kanilang pamumuhay,”dagdag pa ni Ordanes.

“Ang pag-renew sa prangkisa ng Meralco ay malaking tulong sa mga senior citizen na patuloy na makatanggap ng mga mahahalagang serbiyong tulad nito,” aniya.

Bukod sa Senior Citizen partylist, kabilang din ang Management Association of the Philippines (MAP) , Makati Business Club (MBC), Federation of Philippine Industries (FPI), AKO-OFW at iba pang mga grupong nagsusulong na bigyan ang Meralco ng bagong prangkisa upang patuloy na mapaglingkuran ang 7.8 milyong customer nito.

25

Related posts

Leave a Comment