MISS PHILIPPINES EARTH 2019: BEAUTIES FOR A CAUSE

MISS EARTH-3

(NI ANN ESTERNON / MGA KUHA NI LUCAS LUKE)

KAMAKAILAN ay bumisita ang anim sa 42 kandidata ng Miss Philippines Earth 2019 sa tanggapan ng PeryodikoFilipino, Inc. (PFI), publisher ng mga pahayagang SAKSI Ngayon at Diaryo Bomba.

Sa kanilang pagbisita ay ibinahagi ng mga kandidata ang misyon ng Miss Earth Foundation, Inc. sa pagkalinga sa naiiba nang estado ngayon ng kalikasan.

Suportado ng SAKSI Ngayon at Diaryo Bomba ang adhikain ng Miss Earth Foundation, Inc. na maingatan at maprotektahan ang Inang Kalikasan.

Taong 2001 pa nang ilunsad ng Carousel Productions, Inc. ang MISS PHILIPPINES EARTH Beauty Pageant sa layuning lumikha ng mga kandidata na magiging aktibo sa pag-promote at maging involved sa pagpe­preserba ng kalikasan at pagprotekta sa mundo.

Nalalapit na rin na maisalin ni reigning Miss Philippines Earth na si Silvia Celeste Cortesi ang kanyang titulo sa Coronation Night ng naturang beauty pageant. Ito ay gaganapin sa July 13, 2019. Ang delayed telecast ay mapapanood sa ABS-CBN sa July 14.

Ang PeryodikoFilipino, Inc. ay media partner ng Miss Philippines-Earth 2019.

Sa pagbisita ng anim na candidate sa PFI, nagbigay din ang mga ito ng tips sa sinomang nangangarap at nagnanais na lumahok sa ganitong uri ng beauty pageant.

90

Related posts

Leave a Comment