TAGISAN NA NG LAKAS SA MUSCLECONTEST PHILS!

MUSCLE CONTEST

Magtatagisan na ng lakas bukas sa mas pinalaki at mas pinagandang MuscleContest Philippines!

Ito ang pinakamalaking Multi-Sport Festival at Fitness Expo na magaganap bukas, Setyembre 28.

Historic event ito na nagdala sa IFBB Pro Cards sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon noong nakaraang taon.

Ang IFBB ay ang pinakapinaglalabanang award sa industriya ng bodybuilding kaya naman asahang magtatagisan ang mga atleta sa professional events sa mundo.

Ang all-day adrenaline-packed event na ito ay inaasahang magiging venue para magsama-sama ang 5,000 participants at spectators sa The Tent sa Acacia Estates Town Center sa Barangay Bambang, Taguig City.

Ang event na ito ay binibuo ng mga sumusunod:

  • Musclecontest and IFBB Pro 2019 – Isa itong international bodybuilding competition kung saan magtatapatan ang top bodybuilders at physique athletes mula sa Pilipinas at sa buong mundo.
  • King of the Fight – Tatlong magkakaibang martial arts exhibitions ang magaganap dito: MMA fights, boxing, at isang BJJ exhibition.
  • The Alpha Challenge – Ito ang ultimate fitness challenge ng fitness enthusiasts kung saan masusubok ang kanilang tibay at lakas. Ang challenge na ito ay iba sa nangyari noong nakaraang taon pero naroon pa rin ang excitement ng competition.
  • ConZert – Muling magbabalik ang all-day dance marathon. Magkakaron ng classes gaya ng Bootcamp, Pop Hits, Retro, Piloxing, Barre, Cardio Martial Arts, Strong by Zumba, Zumba Fitness, at Zumba Step sa buong araw!

Sakto ang climactic international event na magiging platform para sa mga Pinoy bodybuilders na hindi na kailangan pang lumabas ng bansa.

Ang athletes mula sa MMA, fitness, o circuit training ay may chance na magpakita ng kanilang mga talento sa harap ng libu-libong manonood.

Para sa detalye, magsadya sa https://www.musclecontestinternational.com/all-events.php

236

Related posts

Leave a Comment