UPGRADED CANLUBANG SUBSTATION NG MERALCO

Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong 115-kV capacitor bank sa Canlubang Substation nito na matatagpuan sa Barangay Mapagong, Calamba City sa lalawigan ng Laguna.

Bahagi ng proyektong ito ang pagtatayo ng isang (1) 50-MVAR three-phase 115-kV capacitor bank, isang (1) three-phase 115-kV 63-kA independent pole operation power circuit breaker, isang (1) three-phase 115-kV disconnect switch, at mga protection at control device.

Layunin nitong mapabuti ang voltage regulation ng Laguna 115 kV sector at makapaghatid ng mas mabuting kalidad ng kuryente sa lugar. Mababawasan din nito ang mga mataas na load ng mga delivery-point power transformer sa lugar dulot ng low voltage regulation sa Laguna Sector ng kanilang sub-transmission system.

Patuloy na nagsisikap ang Meralco upang lalong mapabuti ang paghahatid ng ligtas, sapat, maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa lahat ng customer nito.

363

Related posts

Leave a Comment