(NI JEAN MALANUM)
NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) kabuuang P1.2 billion pondo para sa pangangailangan ng pambansang atleta sa 30th Southeast Asian Games.
Ang nasabing halaga ay hinati sa tig-P600 million – para sa aktwal na partisipasyon ng mga atleta sa biennial meet at sa iba’t ibang foreign exposure o training sa abroad bago ang aksyon sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“This is the first time the PSC is spending P1.2 billion just for the athletes,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez matapos lagdaan ang tripartite agreement sa pagitan ng PSC, POC at ng PHISGOC.
“I look at it that if we take good care of our athletes, we might be able to deliver a miracle in the SEA Games,” dagdag pa ng chef de mission.
Ang nabanggit na P1.2 billion ay bahagi ng karagdagang P600 million budget para sa pagbili ng mga equipment para pa rin sa mga atleta.
282