ST. BENILDE, SAN BEDA, KUMUHA NG BONUS

IKINORDON ng defending men’s champion College of St. Benilde at San Beda University ang Final For spots at twice-to-beat bonus matapos ang 1-2 finish sa NCAA Season 95 chess tournament nitong weekend sa San Beda campus.

Tinapos ng CSB ang ninth round na may league-best 26.5 points, kasunod ng paggapi sa Mapua, 3-1, habang ang San Beda ay nasa likuran (26 points) nang blangkuhin ang Jose Rizal University, 4-0.

Tinalo ng University of Perpetual Help System DALTA ang Emilio Aguinaldo College, 3.5-.5 para tumapos na pangatlo (20 points), habang ang Arellano University ay nanaig sa Letran, 2.5-1.5, para sa No. 4 spot (17 points).

Sa semifinals, kinakailangan lamang ng St. Benilde at San Beda ng tig-isang panalo para pumasok sa Finals.

Haharapin ng Blazers ang Chiefs, habang ang Red Woodpushers ay makikipagpigaan ng utal sa Altas sa crossover semis sa Linggo, habang ang championship round ay lalaruin sa araw ng Miyerkoles.

165

Related posts

Leave a Comment