SUNS NA-UPSET NI KAI, ADELAIDE

Ni VT ROMANO

UMISKOR si Kai Sotto ng 11 puntos at tinalo ng Adelaide 36ers ang Phoenix Suns, 134-124, sa NBLxNBA exhibition game sa Footprint Center sa Arizona, Linggo (Lunes sa Manila).

Nagpaulan ng tres (23 of 43 attempts) ang 36ers upang ma-upset ang Suns.

Bumida para sa Adelaide sina Craig Randall, may nine triples at total 35 points, at Robert Franks, may 32 points, kabilang ang six three-pointers.

Habang si Sotto ay kumana ng three of six field goals off the bench kasama ang dalawang dunks, idagdag pa ang two rebounds, two steals at isang assist sa loob ng 18 minuto.

Nanguna para sa Phoenix si Cam Payne, kumamada ng 23 points off the bench, si Miles Bridges at DeAndre Ayton ey may tig-22 puntos, habang si Chris Paul ay nagdagdag ng six points at 12 assists.

Sunod na haharapin ng 36ers ang Oklahoma City Thunder sa isa pang NBA preseason game sa Huwebes, bago sila bumalik sa Australia para sa 2022-23 National Basketball League season.

CURRY, GSW HANDA SA 5th TITLE

MASAYA si Stephen Curry at reigning NBA champions Golden State Warriors sa pre-season game nang dalawang beses talunin ang ­Washington Wizards sa Japan.

“Very productive,” ang paglalarawan ni Curry sa byahe ng koponan sa Saitama kung saan umiskor siya ng team-high 17 points sa halos 17 minutong pagsalang, tungo sa 104-95 win noong Linggo.

“I think we made it productive and I think we got a little bit better as a team, got to know each other a little better,” dagdag ni Curry, NBA Finals Most Valuable Player sa nakaraang season.

Tatangkain ng Warriors hablutin ang ikalimang NBA title sa loob ng nine years, sa pagsisimula ng bagong season ngayong buwan at naniniwala si Curry, handang-handa na ang kanilang team.

“I think the bigger thing is the next two weeks that we have back at home,” wika ni Curry. “We have three more pre-season games, a lot of good practice time, and that’s going to be a big chance for us to fine-tune a lot of things to get ready for the start of the season.”

Abante ng 11 points ang Wizards 85-74 papasok sa final quarter, at dito na umatake ang Warriors buhat sa magandang performance ni rookie Patrick Baldwin Jr.

Starters para sa Warriors sina Curry at forward Draymond Green, habang hindi muna isinalang si Klay Thompson at ayon kay head coach Steve Kerr, pag-iingat lamang laban sa injury.

Hindi lang sa mismong pre-season games nasiyahan si Curry, kundi sa kabuuan ng trip sa Japan, kung saan nakipagpormahan pa sa ilang sumo wrestlers nang bumisita sa training session.

“I’ve been looking forward to this trip for a while now. Love Japan, love Tokyo, love this whole area. It was an amazing four days. I wish it was a little longer.”

4-YR MAX KAY HERRO

“TYLER is an impact multi-faceted player and we are excited to have him signed for the next five years. His improvement every year since we drafted him has led to this day. We believe he will continue to get better.”

Ito ang pahayag ni Miami Heat President Pat Riley matapos ­palagdain si Tyler Herro ng four-year, $120 million extension ng ­kanyang rookie contract, may kasamang aabot sa $10 million incentives, ayon sa ESPN.

Diretsong apat na taon ang kontrata at walang option para sa mag­kabilang panig. At dahil sa pagpirma ng extension, natanggal na si Herro sa anomang trade rumors.

Walang nag-akalang bibigyan ng Heat si Herro ng max contract, na mas mataas pa sa $107 million contract ni RJ Barrett sa Knicks.

Bagama’t nagpamalas ng husay sa playoff games, sumadsad ang laro ni Herro sa nakaraang postseason dahil sa kanyang depensa.

May mga numerong 20.7 points (per game) mula sa 39.9% sa huling tatlong season. Siya rin ang reigning Sixth Man of the Year.

HORNETS NILAMPASO NG CELTICS

WAGI ang Boston Celtics laban sa Charlotte Hornets, 134-93, sa team’s postseason opener, Linggo (Lunes sa Manila) sa ilalim ni interim Coach Joe Mazzulla.

Isang wire-to-wire win ito ng Celtics, nagtala ng 41 assists sa 48 made baskets, habang pinigil ang Hornets sa 34.7% shooting sa laro.

“It felt like I was coaching a great team,” lahad ni Mazzulla hinggil sa panalo. “We have a bunch of guys that have the ability to make shots and we really play well together. It’s a great reward.”

Nagpasalamat din si Mazzulla sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Boston. “I’m grateful because it’s the Celtics, I’m grateful because I get to coach a bunch of great guys and great players and so few people in my position get opportunities. So, I’m just really grateful.”

Sa edad 34, si Mazzulla ay isa sa youngest NBA head coaches ngayong season at isa rin sa pinakabata sa league history. Itinalaga siyang interim coach kasunod ng eskandalong kinasangkutan ni Ime Udoka.

Si Udoka, head coach ng Celtics noong nakaraang season, ay ­sinuspinde ng isang buong season dahil sa ‘improper relationship with a female member of the team staff.’

134

Related posts

Leave a Comment