SUPPORTERS PINAKAKALMA NI SARA DISCAYA

HINIKAYAT ni Pasig City mayoral candidate Sara Discaya ang kanyang mga tagasuporta na manatiling kalmado at iwasan ang pakikipagtalo sa mga tagasuporta ng ibang kandidato.

Ginawa ni Discaya ang panawagan makaraang marami ang magpahayag ng pagkadismaya sa aksyon ni Mayor Vico Sotto sa idinaos na peace covenant event isang araw bago ang unang araw ng kampanya para sa mga lokal na kandidato.

Sa nasabi kasing event, nakuhanan ng larawan si Sotto na ipinakita niyang kunwari ay mayroon siyang kinakamayan.

Ayon sa kampo ni Discaya, dumalo ito sa aktibidad pero hindi sila nag-abot ni Sotto matapos na agad umalis sa lugar ang alkalde. Dumating aniya siya at kanyang mga tagasuporta sa lugar, pero nalaman nilang tapos na ang event dahil maagang dumating si Sotto at agad ding umalis matapos ang photo opportunities sa media.

Ilang residente ang itinuturing na negatibo ang hakbang ng alkalde at tinawag ding ‘harassment’ ang hindi pag-apruba ng City Hall sa hiling ng kampo ni Discaya na makapagsagawa ng campaign kick-off sa isang public venue sa lungsod.

Magugunitang ipinagpaliban na lamang ang campaign event ng kampo ni Discaya dahil ang inaprubahang lugar ng City Hall na Caruncho Avenue ay gamit na gamit ng mga motorista.

Sa ilang survey na idinaos kamakailan, tumaas ang rating ni Discaya bilang mayoralty candidate sa lungsod. Kinilala ng mga residente ang kakayahan nitong maihatid ang tunay na serbisyo sa lungsod at mga programang tututok sa pangangailangan ng mga Pasiguenos.

46

Related posts

Leave a Comment